CHAIR-men

inaanok man ako ngunit dapat ko nang isulat ito kc nais kong fresh pa sa isip ko ang napagusap namin ng ksamahan ko.

ang taas ng demand sa mga collection ko ng upuan. feeling ko ay nakajackpot kami. para na kaming it bag na hermes or fendi. 3500USD ang average na halaga ng isang upuan namin, kaya dapat lang na mataas ang kalidad and couture ang dating.

dapat lang na mahal dahil masusi namin itong pinag-aralan at ang daming proseso para lang magawa ang isa. isa pa signatue chairs po ito (brand:petals) hehehehe. lingid sa alam ng mamimili,daming luha, pawis at chicken fried rice mula sa Al Nasr ang puhunan sa mga ito.

selling like hotcakes ang mga chairs namin. haba ng pila.

kahit na abala nakuha pa namin ni gilbert at rene na sandaling maupo at magkuwentuhan. tawanan kami ng binalikan namin yung unang mga araw pagkatapos kong tanggapin ang hamon na muling buhayin ang upholstery department,

nakakatwa kc inilabas namin ang larawan ng pinaka una naming chair na ginawa. palpak at ang daming mali. pero may bumili. hahahaha. ang tao nga naman di mo maintindihan ang taste.

memorable sa akin ang upuan na yun kc maraming gabi na di ako pinatulog sa kakaisip hanggang sa may nakaibig sa kanya na mamimili. haaaay salamat wala na siya.   

mahigit tatlong taon na ang nakaraan, ngayon sabi ko nga kay gilbert, masters na kaming tatlo at sana tumagal pa ang team namin.

unbeatable talaga. truimvirate.

 

Leave a Reply