second fiddle

gaya ng inaasahan, ibat-iba ang reaksyon sa pagbukas ng pinaka latest ko na window display. marami ang nasorpresa at marami ang di natuwa.

sanay na ako, kung hindi siguro matagal na akong wala sa mundo ng pagdidisenyo. saka subjective ika ng iba ang lahat ng criticisms

ang nakakatuwa ay ang reaksyon ng mga dating kong kasamahan na ngayon ay naglilingkod sa kabilang tindahan. sa sobrang "shock" ay kinuhanan pa nila ng litrato ang aking gawa. di lang yun may kumalat pa na balita na kopya ang aming gawa. natawa lang ako sa kanilang reaksyon. paano ba naman, bakit sila maiinsecure sa hamak na dating assistant ng kanilang amo. patunay lang ito na sinusubaybayan pa rin nila ang takbo ng aming kumpanya sa ilalim ng aking pamamahala sa creative.

salamat mga dating kasama. hangad ko na kayo pa rin ang maging d best. happy na ako as a runner-up.

teka matanong lang… bakit on sale lahat ng items nyo at 50% off…hmmm d pa yata bawi investment nyo.

Leave a Reply